Thursday, April 7, 2016

IKAW - Yeng Constantino




IKAW 
Yeng Constantino

Sa pagpatak ng bawat oras ay 
Ikaw ang iniisip isip ko
Hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw, ang pinangarap-ngarap ko 
Simula nung matanto
Na balang araw iibig ang puso

Ikaw ang pag-ibig na hinintay 
Puso ay nalumbay ng kaytagal
Ngunit ngayo’y nandito na
Ikaw, 
Ikaw ang pag-ibig na binigay 
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pag-ibig ko’y 
ikaw

Humihinto sa bawat oras ng tagpo 
Ang pag-ikot ng mundo
Ngumingiti ng kusa
Aking puso
Pagka’t nasagot na ang tanong
Nag-aalala noon
Kung may magmamahal 
Sa ‘kin ng tunay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay 
Puso ay nalumbay ng kaytagal
Ngunit ngayo’y nandito na
Ikaw, 
Ikaw ang pag-ibig na binigay 
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pag-ibig ko’y 
ikaw

At hindi pa ko umibig
Ng ganto at nasa isip
Makasama ka habang buhay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay 
Puso ay nalumbay ng kaytagal
Ngunit ngayo’y nandito na
Ikaw, 
Ikaw ang pag-ibig na binigay 
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pag-ibig ko’y 
ikaw

No comments:

Post a Comment